GRADE 2 Updated Daily Lesson Logs (COMPILATION)


Download for FREE the following Daily Lesson Logs in Grade 2 available for you to DOWNLOAD. Simply click on the DOWNLOAD link on each subject or lesson. Please be reminded that you MUST BE LOGGED IN TO YOUR GMAIL ACCOUNT to be able to download each file/DLL.

Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Etika ng Kabutihang Asal (Virtue Ethics). Ayon sa pilosopiya ng Personalismo, nakaugat lagi sa pagpapakatao ang ating mga ugnayan. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. Sa Virtue Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi (habits) at umiiwas sa mga bisyo o masamang gawi. Samakatwid, ang nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi.

Sa murang edad na 6 hanggang 12 taon, maaaring hindi pa lubos na maunawaan ng isang bata ang kanyang pagkatao bilang tao ayon sa paLiwanag ng pilosopiyang Personalismo. Ngunit maaari siyang sanayin sa mga virtue at pagpapahalaga upang lumaki siyang isang mabuting tao. Sa mga edad na ito, mauunawaan niya na dapat siyang magpakabuti hindi lamang sapagkat ito ang inaasahan sa kanya ng lipunan kundi dahil tao siya - may dignidad at likas ang pagiging mabuti. May dignidad ang tao dahil siya ay bukod-tangi at may ugnayan sa kanyang kapwa, sa Diyos, at kalikasan.

Ang Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, Pagkatutong Pangkaranasan (Experiential Learning) ni David Kolb, Konstruktibismo (Constructivism) at Teorya ng Pamimili ng Kurso (Theory of Career Development) ni Ginzberg, et. al. at Super ang iba pang teorya na nagpapaLiwanag kung paano natututo ang mag-aaral sa EsP.

Ayon sa paLiwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon. Ayon pa rin sa teoryang ito, mahalaga ang mga iniisip ng tao sa kanyang pagkatuto ngunit hindi nangangahulugang magbubunga ito ng pagbabago sa kilos.

Ang mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto ayon kay David Kolb at sa Teorya ng Pagkatuto ng Konstruktibismo. Ayon saTeorya ng Pagkatutong Pangkaranasan ni Kolb, ang mga nasa edad (adults) ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang mga karanasan, pagbuo ng mga konklusyon o insight mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa angkop na mga sitwasyon ng buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teorya ng Konstruktibismo. Sinasabi ng teoryang ito nanagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang mga karanasan.


Grade 2 WEEK 7 Daily Lesson Logs (Quarter 4)
MARCH 2 - 6, 2020

ALL SUBJECTS 2 DAY 1- Week 7: Q4 (Download)

ALL SUBJECTS 2 DAY 2 - Week 7: Q4 (Download)

ALL SUBJECTS 2 DAY 3 - Week 7: Q4 (Download)

ALL SUBJECTS 2 DAY 4 - Week 7: Q4 (Download)

ALL SUBJECTS 2 DAY 5 - Week 7: Q4 (Download)


Grade 2 WEEK 8 Daily Lesson Logs (Quarter 4)
MARCH 9 - 13, 2020

ALL SUBJECTS 2 DAY 1- Week 8: Q4 (Download)

ALL SUBJECTS 2 DAY 2 - Week 8: Q4 (Download)

ALL SUBJECTS 2 DAY 3 - Week 8: Q4 (Download)



NOTE: Like and follow us on FACEBOOK (click here) and download more FREE TEACHING FILES.
GRADE 2 Updated Daily Lesson Logs (COMPILATION) GRADE  2 Updated Daily Lesson Logs (COMPILATION) Reviewed by Teachers Click on March 01, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.