A call to include the middle-class community in the Social Amelioration Program (SAP) pursuant to the "Bayanihan to Heal as One Act" was raised to President Duterte by Cavite Governor Juanito Victor C. Remula.
The governor shared a letter on his official Facebook page to let everyone know that the middle-class community who pays the most taxes and keeps our economy alive is also suffering a lot from the COVID-19 pandemic. Thus, Remulla calls to include them in the social amelioration program.
Here is the full text of the letter from Gov. Remulla (translated in Filipino) to the President:
Mahal na Pangulo,
Nawa ay makarating sa inyo ang liham na ito sa mabuting kalagayan. Ang pamumuno sa isang lalawigan, kahit pa sa pinakamabuting kalagayan, ay isa ng mabigat na pagsubok. Paano pa kaya ang pamumuno sa isang buong bansa sa panahon ng krisis, sobrang hirap po siguro.
Kayo po ay may mga tagapayo na nagbibigay-gabay sa inyo sa kung ano ang sa tingin nila ay tama. Mayroon din naman po kayong mga kalabang hinihiling ang kung ano ang masama. Mayroon kayong mga kaibigan na ipinagdarasal ang inyong kalusugan, at nariyan ang mamamayang Pilipino na naghihintay na inyong mapamunuan.
Kayo po ay nahalal sa mandato ng pagkilos at pagtupad ng patakaran ng batas. Ang tapang at malasakit na inyong ipinakita sa mga Davaoeño ay nagbigay ng kumpiyansa sa mga taga-Luzon. Sa wakas, isang pinuno na hindi lamang ang mga karaniwang isyu ng kahirapan at korapsyon ang haharapin kung hindi pati ang problema ng ating bansa sa krimen at iligal na droga, mga problemang kayo lamang ang mayroong kakayahang labanan. Ngayon, sa kabila ng kinahaharap nating krisis, ang ating ekonomiya ay nananatiling matatag at inaasahan ding makabawi nang husto sa oras na matapos ang kinahaharap nating pagsubok. Ito ay dahil sa mahuhusay ninyong mga tagapayo sa ekonomiya.
Sumusulat po ako ngayon para sa ating mga kababayang middle class. Ako po ay mula sa isang lalawigan kung saan 70% ng mga mamamayan ay migrante. Ito po ay ang mga kababayan nating naiangat ang mga sarili nila sa buhay: nangutang upang makabili ng kanilang unang bahay at sasakyan, may mga anak na pinagtatapos ng kolehiyo. Humigit-kumulang 300,000 sa kanila ay nagtatrabaho sa Maynila, may 400,000 naman ang nagtatrabaho sa ating economic zones. Ang aming poverty incidence sa lalawigan ay isa sa pinakamababa sa buong bansa at ang aming per capita GDP ay isa sa pinakamataas sa lahat sa labas ng Metro Manila.
Matinding natamaan ng COVID-19 pandemic ang aming lalawigan. Sa kabila nito, hindi ko po hinihiling na mabigyan ng tulong ang lokal na pamahalaan ng lalawigan. Kaya po namin ang aming sarili. Ngunit hindi po ito totoo para sa lahat.
Ang pahayag ng pamahalaan sa paglalabas ng Social Amelioration Card ay nagbigay ng pag-asa sa ating mga mamamayan. Sa nakalipas na tatlong linggo, karamihan sa kanila ay naubos na ang mga naipon na salapi. Ang mga pamilyang binubuo ng walong katao ay nagsisiksikan sa kanilang mga tirahang 24 hanggang 40 metro kwadrado lamang. Ganito pa man ang kanilang sitwasyon, karamihan sa kanila ay nananatiling positibo. Ngunit alam kong sila ay tunay na nahihirapan.
Karamihan sa mga nakatira sa mga subdivision tulad ng Tierra Nevada, o Tree Lane, o Lancaster, ay namamasukan sa pribadong sektor o kaya naman ay kabahagi sa small to medium enterprises. Ang mga pamilyang double-income, OFWs, single mothers, Grab operators at mga empleyado ng BPO—lahat sila ay umaasa sa buwanang sahod. At dahil wala pa tayong mga tren, sila ay bumibiyahe nang tatlong oras papunta at tatlong oras pabalik galing trabaho araw-araw. Produktibo ang kanilang mga buhay. Gaano pa man karangya pakinggan ang kanilang mga subdivision, sa huli sila ay mga middle class na kada-buwan ay nakikita ang pagkaltas sa kanilang sahod para sa SSS, GSIS, PAG-IBIG, mga utang, at higit sa lahat, para sa buwis na napupunta sa pamahalaan.
Ang pandemic na ito ay isang krisis para sa lahat. Hindi lamang para sa pinakamahirap nating kababayan, kung hindi pati na rin sa mga taong nagtaguyod ng sarili ngunit hindi pa rin sapat. Sila rin ay naghihintay sa tulong ng lokal na pamahalaan. Sila ay nagtitipid, nagsasanla, nangungutang—para lamang makaraos.
Bilang Punong Lalawigan, buong-galang ko pong hinihiling na sila rin ay maisama natin sa Social Amelioration Program ng pamahalaan. Kung hindi man katumbas ng para sa mahihirap ang kanilang matanggap, sana ay mabilang pa rin sila at mabigyang-pansin ang kanilang kapakanan. Madalas po silang nakakaligtaan. Sila na nagbabayad ng malaking bahagi ng buwis ng ating bansa. Sila na bumubuhay sa ating ekonomiya. Sila na sumusunod sa batas. Kailangan nila ng ating tulong.
Hiling ko pong matanggap ninyo ang liham na ito sa ang aking intensyon—hindi para mamulitika o magbigay ng pabor, kung hindi para isulong ang kapakanan ng ating mga mamayan.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
JUANITO VICTOR C. REMULLA
Source: Gov. Jovic Remulla
A call to include MIDDLE CLASS in the social amelioration program
Reviewed by Teachers Click
on
April 09, 2020
Rating:
No comments: