Heartwarming letter to teachers from a grade 6 pupil




Read this heartwarming letter from a grade 6 pupil in the name of Nikman Muadjin from Moh. Tulawie Central School, appreciating all the teachers in the country during this national health crisis.

In his letter, he stated the sacrifices of the teachers every single day and that they also deserve appreciation even now in the middle of COVID-19 issue. The entire letter will surely inspire every teacher which Nikman also considers as frontliners.

Ang Mga Guro Ngayon Sa Panahon ng CoVid-19

Sa ilalim ng Enhanced Communtiy Quarantine sa buong Luzon karaniwang mga health workers, pulis at opisyal ng pamahalaan na lamang ang ating nakikita pero sa gitna ng pagsubok na ating kinakaharap tila nakalimutan na yata ang mga bayaning guro.

Hindi lingid sa aking kaalaman dahil ako mismo ang nakasaksi kung paano ang kalagayan ng mga guro ngayon sa panahon ng CoVid-19, wala na ba talagang magagampanan na tungkulin ang mga guro sa panahon ngayon. Ang ilan sa mga guro ay nais ng maging kanitor para makatulong naman kahit papaano. Madami ang nagrereklamo dahil wala raw ginagawa ang mga guro. ero para sa akin mayroon, nakikita niyo ba ang mga doktor, nars, pulis hindi niyo ba naisip lahat ng mga nakikipagsapalaran na iyan ay nanggaling sa mga guro habang sila ay nag-aaral pa kaya naniniwala ako na "Teachers Make All Professions" kaya sana maunawaan natin na patuloy parin na nagsisilbi ang mga guro sa atin.


Katulad din sila ng mga doktor pag-uwi sa bahay hindi iyan hihiga-higa at maghihintay ng sweldo may ginagawa pa iyan sa bahay ginagampanan pa niya ang mga tungkulin ng pagiging isang padre de pamilya o ilaw ng tahanan; magluluto, maglalaba, maghuhugas ng plato, maglilinis ng bahay, magchecheck ng mga quizzes kaya talagang napakarami ng mga gawain ng isang guro at hindi pa iyan marami pang iba kaya katulad din sila ng frontliners hindi lang katulad kundi frontliners sila para sa akin, frontliners sila para sa mapilya at mag-aaral natin sana bigyan natin ng konsidersyon ang mga guro, and iba nagsasabi na bakit nagrereklamo ang mga guro ng kanilang sweldo bakit kung matanong ko mataas ba? Sapat ba para sa pagkain, bayad sa tubig at kuryente, matrikula ng anak, upa sa bahay kung mayroon man hindi iyan sasapat, hindi kaya ng dalawampung lino lang kasi hindi lang problem ang pagkain pati kagustuhan ng pamilya na magbonding. Kaya Saludo ako sa inyo mga guro.

Sa paglipas ng panahon patuloy parin sila sa paglilingkod, pagtuturo sa mga mag-aaral sana kahit sa pagsubok lamang ng pinarating ng Maykapal sa ngaon ay huwag na huwag natin silang pabayaang maglaho, ang mga bayaning guro!



Courtesy: Karsum Ahmad


Heartwarming letter to teachers from a grade 6 pupil Heartwarming letter to teachers from a grade 6 pupil Reviewed by Teachers Click on April 01, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.