Isang open letter mula sa public school teacher ang viral ngayon sa social media dahil sa malaman nitong mensahe sa lahat ng bumabatikos sa kanila ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang letter, ipinaliwanag niya kung bakit tuloy ang sahod nila bilang government employee at kung bakit hindi sila ang frontliners sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine. Pinunto rin niya na wala silang natanggap ng ayuda sa pamahalaan dahil ang lahat ng kanilang natanggap ay ang kanilang regular na sahod at bonus. Dagdag pa niya, ang loan refund ay hindi ayuda dahil ito ay pera pa rin nila na hindi muna ibinayad sa kanilang mga loans habang nasa ilalim tayo ng ECQ.
Narito ang kupletong open letter na viral ngayon sa social media.
Diretso po Ang sahod namin kahit bakasyon dahil Wala po kami sick leave, vacation leave, at kahit anong klaseng leave within the school year. Kaya Yung bakasyon binabayaran na Lang kami Kasi Kung hnd eh di may utang po Ang gobyerno sa Amin. Ang PBB po na natanggap namin ay utang pa 2018 pa dapat eh ngayon lang naibigay 2020 na po. Hindi kami inutusan na maassign sa Frontline dahil hnd po iyan Ang aming sinumpaang tungkulin. Ang job description po namin ay magturo sa mga Bata sa loob ng PAARALAN. Gayunpaman ay may online teaching po kami na ibinigay sa mga Bata hanggang katapusan ng klase nuong March. Starting April ay ginawa namin Ang mga reports na dapat isubmit para sa promotions and records Ng mga Bata. Hnd Lang po kami nakapag checking Kasi Ito ay dapat magkakaharap na 3-4 na guro, dahil sa ECQ at social distancing hnd kami makapagcheck. Tuloy Ang sahod namin dahil empleyado kami ng gobyerno, Hindi Naman namin kagustuhan na mangyari Ang lahat ng Ito. Wala kami ayudang natanggap, dahil sa pagiging government employee hnd kami kabilang sa mga listahan ng nabibigyan mg ayuda. Ang midyear bonus ay tinatanggap Ng lahat Ng public employee sa buong Bansa Kaya kabilang kami duon. Alam ba ninyo Kung ano Lang Ang tulong na aming tinanggap sa panahon na Ito? Hindi kami siningilan Ng mga banko at private lending company na nsa payslip namin. Buo namin nakuha Ang aming sahod. Pero after pandemic, babayaran din namin ulit Ang lahat ng iyun. Sarili din naming pera Ang aming nakuha sa aming atm Kasi nakahold Ang pagbayad sa lahat ng uri ng utang ngayon. Gayunpaman, bawat Isa sa Amin ay nagshare Ng aming maitutulong sa aming kabarangay. Nag abot Ng pagkain sa mga frontliners. Nag abot Ng relief goods sa mga kalugar at kamag anakan. Kaya po wag nyo kami ikumpara sa nurse, doktor, sundalo at pulis. Dahil lahat sila, maging Ang pangulo, ay dumaan sa aming mapaghubog na mga kamay❤️
Credits to the owner of this open letter.
Open letter ng isang public school teacher sa mga nangbabatikos sa kanila ngayong ECQ
Reviewed by Teachers Click
on
April 26, 2020
Rating:
Well said po.. sana po maintindihan ng nakararami ang kasalukuyang pangyayari..
ReplyDeleteSana lng iyong bumabatikos tingnan muna nila ang kanilang sarili may tulong ba silang ginawa o nagawa ang mga teacher gumagawa tayo ng tahimik at di natin ipinangangalandakan ang ating mga ginagawa.
ReplyDeleteTama Po lahat Ng sinabi mo po.napakagaling.sana maintindihan Ito ng mga bashers SA mga guro.
ReplyDeleteagree agree agree sa mga bumabatikos..TAEna mohhh
ReplyDelete