Panawagan ng isang Private School Teacher sa DepEd




Isang guro mula sa private school ang nananawagan sa Department of Education para sa ayuda ngayong panahon ng krisis. Sa kanyang open letter, inihayag niya na lubha din silang nangangailangan ngayon ng ayuda lalo't  hindi naman sila qualified para sa Social Amelioration Prorgam ng pamahalaan.

Dagdag pa niya, ibang iba ang sitwasyon nila ngayon sa mga public school teachers dahil ang kanila lamang sahod ay 5,000 to 10,000 at wala pa silang natatanggap na cash assistance kahit kanino.

Basahin ang buong open letter ng private school teacher na ito:


“Good day! Nanawagan kami sa kagawaran ng Edukasyon na tulungan niyo po kaming mga PRIVATE SCHOOL TEACHERS. Kami po sa ngayon ay wala kaming natanggap na ayuda na galing sa DepEd. Di kami qualified na maka tanggap ng SAP dahil kami ay isang GURO. Iba po ang sitwasyon namin sa mga Public Teachers. ang sweldo po namin ay nasa 5,000 to 10,000 lamang po. Nanawagan kami sa mga kinauukolan o mga sangay na humahawak sa mga pribadong paaralan. bigyan niyo din kami ng tulong. Hindi pa sumasagot ang DOLE sa cash assistance ng mga private teachers. May pamilya kaming tinataguyod. Department of Education nanawagan kami na mabigyan kami ng kunting ayuda man lang. Kami rin ay pamilya ninyo... Guro din kami wag niyo naman kaming pabayaan may pamilya kaming tinataguyod at wala kaming ibang matakbuhan ngayon.😭😭😭😭

Sana bigyan niyo kami ng pansin. Wag niyo kaming Iwan.
Maraming salamat po!"


Panawagan ng isang Private School Teacher sa DepEd Panawagan ng isang Private School Teacher sa DepEd Reviewed by Teachers Click on April 20, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.