2M students inaasahang lumipat from private to public schools




Ayon sa Coordinating Council for Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) posibleng umabot sa halos 2 milyong estudyante ang lilipat mula sa private schools patungong public schools bilang epekto ng COVID-19 pandemic sa ating ekonomiya.

Inaasahan na marami sa nagpapa-aral sa private schools ang hindi na kakayanin o mahihirapan nang makatugon sa mga pinansyal na obligasyon dahil sa pagbaba ng ating ekonomoiya na magreresulta sa paglipat nila sa pampublikong paaralan.

"We are anticipating nga dahil sa challenges na ito, ang mga bata will either migrate from private schools or totally drop out," wika ni DepEd Usec. Jesus Mateo.



Pinaghahandaan na ngayon ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa darating na August 24, 2020 lalo na ang mga learning delivery options na nararapat sa sitwasyon ng bawat paaralan.



2M students inaasahang lumipat from private to public schools 2M students inaasahang lumipat from private to public schools Reviewed by Teachers Click on May 15, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.