DepEd nilinaw ang magiging learning progress assessment simula August 24





Ipinaliwanag ni DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan sa isang online hearing para sa "New Normal Bill" ang mga paraan upang ma-assess ang learning progress ng mga mag-aaral sa ilalim ng iba't ibang learning delivery options.

Inihayag ni Rep. Roman Romulo ang mga katanungan ng maraming mga magulang hinggil sa kung papaano ang grading system, papaano malalaman ng DepEd kung pumasa ba ang kanilang mga anak, at kung magku-qualify ba sila for the next grade level.

Narito ang kasagutan ni DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan:



"Una ay ang isinagawang pagsasaayos ng curriculum to the most essential learning competencies. Pangalawa ay 'yung learning resources na hinahanda natin. Pangatlo ay 'yung learning delivery modality. At pang-apat po ay 'yung assessment, so kasama po dun sa inihahanda na learning delivery ay 'yun component ng assessment both at the formative level as well as on a system level. Dapat pong hindi makalimutan na 'yung mga klase kahit pa sila ay may distance learning will still be supervised by a teacher for a certain class. In other words, it will still maintain a one teacher to a class of 40. So there will still be a teacher who will be monitoring the progress of a child with the learning resources that include an assessment component."


DepEd nilinaw ang magiging learning progress assessment simula August 24 DepEd nilinaw ang magiging learning progress assessment simula August 24 Reviewed by Teachers Click on May 18, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.