Mahahalagang Impormasyon tungkol sa ENROLLMENT ngayong SY 2020-2021



Upang bigyang linaw ang nalalapit na pagbubukas ng klase sa lahat ng paaralan sa bansa, narito ang ilan sa mga mahahalagang katanungan na binigyan ng kasagutan ng Kagawaran ng Edukasyon:

PARA SA ENROLLMENT

Hanggang kailan ang period ng enrollment ngayong SY 2020-2021?

Ang enrollment para sa School Year 2020-2021 ay magbubukas sa Hunyo 1 at magtatapos sa Hunyo 30. Ito ay karugtong na lamang ng Early Registration noong Enero.

Paano ang magiging sistema ng enrollment? Face-to-Face rin ba?

Hindi kinakailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan para sa enrollment ngayong taon. Upang patuloy na mapairal ang Social Distancing at ang health standard na rekomendasyon ng DOH at IATF, ipatutupad ng Kagarawan ang Remote Enrollment.

> Para sa mga Grade 1-12 na mag-aaral: Ang mga magulang ng mga papasok na Grade 1 to 12 learners ay tatawagan ng kanilang adviser ng nakaraang taon para sa 'remote' enrollment. Gayunpaman, maaari ring ang magulang/tagapangalaga ang tatawag o kokontak sa adviser, sa pamamagitan ng mga numerong nilaan ng paaralan para sa enrollment procedures.

> Para sa mga papasok ng kindergarten: Maaaring makipag-ugnayan ang magulang ng mga papasok ng kindergarten sa kanilang napiling paaralan para sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga nilaang numero o website ng paaralan para sa enrollment procedures nito.

> Para sa mga lilipat na mag-aaral: Maaaring direktang makipag-ugnayan ang magulang ng lilipat na mag-aaral sa eskwelahang nais lipatan gamit ang mga contact details ng paaralang lilipatan.
Para sa mga Balik-Aral enrollees: Tulad ng mga transferees, maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga Balik-Aral enrollees sa eskwelahang napiling lipatan. Ang lilipatang eskwelahan ay ang siyang magtatala ng kanilang impormasyon at datos.

> Para sa mga ALS enrollees: Maaaring mag-enroll ang mga mag-aaral sa ilalim ng ALS program sa pamamagitan ng pakikipagugnayan online o pisikal sa paaralan o sa mga barangay na mayroong Community Learning Centers (CLCs). ALS Form 2 (Annex B) ang gagamitin dito batay sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaari itong ma-access online at mayroon ding mga printed na kopya


Tatanggap po ba ang mga paaralan ng mga late enrollees?

Ang mga paaralan ay maaring tumanggap ng mga late enrollees kung ang estudyante ay nakapasok sa 80% sa nakatakdang school days sa bawat school year at sa mga kinakailangang pamantayan upang pumasa sa bawat grade level. Maari ding gamitin ng mga school heads ang kanilang sariling desisyon sa kung tatanggapin o hindi ang mag-aaral at magsagawa ng mga aktibidad upang makahabol ang nasabing estudyante.

Paano ang pagpapasa ng documentary requirements para sa enrollment?

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon pang kalusugan, ang palugit sa pag papasa o pagsusumite ng mga documentary requirements sa enrollment ay ipagpapaliban muna hanggang Disyembre 2020. Ito ay ipatutupad pareho sa pampubliko at pribadong paaralan.

Pwede pa rin bang magpasa ng application para sa SHS Voucher Program?

Maari pa ring magpasa ng application sa ilalim ng SHS Vouvher Program kung ikaw kwalipikado sa mga nakaatas na pamantayan. Kung nais na mag-apply sa programang ito, maaring ipasa ng application Private Education Committee National Secretariat (PEAC NS) sa pamamagitan ng Online Voucher Application Portal o maaari ding magsadya sa opisina ng PEAN NS kung manual naman ang isasagawang aplikasyon. Dagdag pa rito, ang mga estudyanteng nakatatanggap na voucher program ay hindi na kinakailangang mag-apply muli sa kadahilanang automatiko na muli silang makakatanggap ng subsidiya mula sa departamento.

Source: Department of Education


Mahahalagang Impormasyon tungkol sa ENROLLMENT ngayong SY 2020-2021 Mahahalagang Impormasyon tungkol sa ENROLLMENT ngayong SY 2020-2021 Reviewed by Teachers Click on May 30, 2020 Rating: 5

4 comments:

  1. ano ba yan di man lang kayo makagawa ng link para diretso n lng sagutan ng mgulang bkit kelangan pa rin ng physical form..tapos gusto nyo pa online learning..simpleng link di kayang gawin para di na kelangan lumabas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Panu ba i submit?

      Di ko makita malapit na school wala namxn sumasagot sa d tuazon elem school

      Delete
  2. Galing po public school anak ko since elementary and high school pero ng nag senior high school na po sya nilipat ko na po sya sa private university.
    Tanong ko lang po, MAGAGAMIT NYA NA PO BA AUTHOMATIC ANG BINIBIGAY NG GOBYERNO NA VOUCHER NGAYONG INCOMING GRADE 12 NYA, KC HINDI PA PO NYA NAGAMIT NUNG GRADE 11 SYA?
    Salamat🙂

    ReplyDelete
  3. Gup am po paano makakalipat Yun apo ko n mag grade 3 dito po sa LAGRO elementary school at galing po kami private school? Ano ano po Ang mga requirements?

    ReplyDelete

Powered by Blogger.