Pinag-aaralan na ngayon ng DepEd ang pagkakaroon ng COVID-19 Mass Testing para sa mga guro at estudyante bago magbukas ang klase sa darating na August 24, 2020.
Sa isang panayam kay DepEd Undersecretary Revsee Escobedo, ipinaliwanag niya na tataas ang kumpiyansa ng lahat sa pagbubukas ng klase kung lahat ay matetest.
"Pinag-aaralan naman 'yan ngayon dahil magbubunga naman ito ng magandang resulta at ang aming kumpiyansa at tiwala na safe talaga 'yung school sakaling magbalik na ang aming mga estudyante at mga guro, " wika ni Usec. Escobedo.
Subalit, inamin ni Usec. Escobedo na malaki ang kakailanganing halaga para maisagawa ang mass testing na ito.
"Isang usapin lang dito ay 'yung cost kasi may kamahalan. At 'yung testing na 'yun halimbawa negative ka sa araw na 'to, uuwi ka sa bahay at komunidad, pagbalik mo iti-test ka ulit. Kasi baka 'yung virus hindi mo na-acquire sa school kundi nasa bahay at komunidad," dagdag pa niya.
READ: MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES (MELC) for KG to Grade 12 SY 2020-2021
ALSO READ: Mga Paraan sa Pagpapaenroll ng mga Bata mula June 1 to June 30
ALSO READ: Mga Paraan sa Pagpapaenroll ng mga Bata mula June 1 to June 30
Mass testing para sa mga guro at estudyante pinag-aaralan ng DepEd
Reviewed by Teachers Click
on
May 18, 2020
Rating:
No comments: