Mga pondong maaaring gamitin ng mga guro sa internet expenses





Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na August 24, 2020, pinahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na maaaring gamitin ng mga guro ang kanilang chalk or cash allowance bilang pambayad sa kanilang internet fees.

"Mayroon silang allowance for chalk which has been increased, maybe their expenses for chalk can be used for other necessary fees," wika ni Briones sa isang virtual press briefing.

Ang paggamit ng internet ay higit na mahalaga sa mga lugar na magpapatupad ng distance learning o yaong mga gagamit ng internet sa paghahatid ng mga leksyon sa kanilang mga mag-aaral.



Paliwanag ni Briones, maaari ring gamitin ng mga paaralan ang kanilang MOOE o Maintenance and Other Operating Expenses upang matulungan ang mga guro sa kanilang mga pangangailangan sa pagharap sa kakaibang sitwasyon ng pagtuturo.

"May MOOE naman...which are held by the principals. May pera sila at their level kasi binibigyan sila ng autonomy to spend as they wish" dagdag niya.



Mga pondong maaaring gamitin ng mga guro sa internet expenses Mga pondong maaaring gamitin ng mga guro sa internet expenses Reviewed by Teachers Click on May 15, 2020 Rating: 5

3 comments:

  1. kung yung MOOE ang inaasahan, di po kakasya yan kasi marami ding ibang pangangailangan ang school..

    ReplyDelete
  2. 1,299 per month , per teacher... kaya po ba?

    ReplyDelete
  3. ang chalk allowance yearly, ang internet expense monthly, baka naman po.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.