Isang open letter mula sa isang guro ang viral ngayon sa social media dahil sa mensahe nito at pakiusap sa mga magulang at guradians na turuan muna ang kanilang mga anak sa bahay lalo na't hindi pa sigurado kung kailan muli magbubukas ang klase.
Isinaad dito ng guro na tutukan ang pagtuturo sa pagbasa at pagbibilang at higit sa lahat ay ang pagtuturo ng kabutihang asal nang sa ganun ay maging handa ang mga anak nila sa pagbabalik sa klase.
Narito ang kabuuan ng kanyang open letter:
Para sa lahat ng mga magulang/guardians: PLS TAKE TIME TO READ.
Kung August o September pa ang pasukan (No final sched yet) ako po bilang guro ay nakikiusap sa lahat ng mga magulang at guardians ng mga mag-aaral na pakituruan po ang inyong mga anak sa bahay. Lalong lalo na po sa PAGBABASA, pagbibilang at higit sa lahat ng MABUTING ASAL. May mga pinapasa din po ako sa gc ng mga bata paki follow up po.
Mahaba haba po ang oras ng inyong mga anak na nasa bahay lang ngayon. So, please po pakituruan po muna ang inyong mga anak upang maging handa sa pasukan.
A GOOD Education begins at home po. Gawin po sana nating makabuluhan ang ECQ period sa pamamagitan ng pag follow up at pagtuturo sa inyong mga anak para po sila ay matuto.
Maraming salamat po.
#Learn_at_Home
#Stay_at_home
#Stay_safe
#God_bless
#copypaste
Open letter ng isang guro sa mga magulang ng mga mag-aaral, naging viral
Reviewed by Teachers Click
on
May 01, 2020
Rating:
Napaka tumpak po ng isinasaad ng liham. Habang nasa Bahay ang mga anak, dapat matutukan ng magulang ang pangunahing kaalaman Lalo na ang mabuting asal, dadagan na Rin ng pagbabasa at pagbibilang.
ReplyDeleteTama po ang tagal na natin nasa ECQ marapat lang na tayong mga magulang ay hindi sinayang ang pagkakataon na ating maturuan ang ating mga anak bigyan nyo ng attention ang mga bata huwag puro cellphone,at movie marathon gagawin mas malaki ang maitutulong natin sa ating mga anak kung ito ang gagawin natin sa kanila habang tayo ay nasa ECQ pa.Kaya mga magulang umpisahan na po natin ang pagtuturo para mas lalo pa silang galing sa kanilang pag pasok sa school.
ReplyDeleteDapat po talaga para mahasa sila sa pagbasa at pagbilang at higit sa lahat.
ReplyDeleteAng kabutihang asal sa pakikipagkapwa tao.
Tama po isa ring po akong magulng at sa panahon po nating ngayong tayo po ang may responsibilidad sa ating mga anak marami po tayong trabaho pero mahalaga po ang edukasyon at para na ring po sa ikabubuti ng ating mga anak turuan po nating sila tayo po ang maging guro sa kanila kahit ilang oras lng sa isang araw para maging handa sila sa pagbabalik ng klase
ReplyDeleteMahalaga ang pagbabasa sa pagaaral.
ReplyDelete