Paliwanag ng DepEd sa mga walang internet o gadget at mga batang nakatira sa bundok




Sa isang online TV interview kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio hinggil sa pagbubukas ng klase sa darating na August 24, 2020, ipinaliwanag niya ang mga plano ng DepEd upang matugunan ang pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral.

Binigyang linaw ni Usec. San Antonio na gagamit ng iba't ibang pamamaraan ang mga paaralan depende sa sitwasyon sa kanilang lugar. Maaaring gumamit ng online learning sa mga lugar na may access dito ngunit marami pang pwede gawin kung sakaling walang internet o gadget ang mga mag-aaral at guro.

Sinagot niya ang ilang katanungan patungkol sa iba't ibang sitwasyon na maaaring kaharapin ng mga mag-aaral.

Sa tanong na papaano ang mga bata na walang access sa internet at wala ring kakayahan para maka-avail ng mga gadgets tulad ng smartphone o laptop, ito ang sagot ni Usec. San Antonio:

"Hindi lang online ang pamimiliang paraan ng pagbibigay ng basic education, naghahanda po tayo ng mga printed modules na gagamitin doon sa mga lugar at sa mga pamilya na wala pong access internet."



Isa pang tanong mula sa netizen ay kung papaano naman ang mga mag-aaral na nakatira sa bundok. Pinaliwanag ni Usec. San Antonio na gagamitin din ang DepEd ang Radio and Television upang makapaghatid ng kaalaman sa mga batang malalayo ang tinitirahan.

"Karagdagan dun sa mga printed materials na ipapadala sa mga pamilya o maaaring gamitin ay isu-supplement po natin gagamitin po natin 'yung tinatawag na TV Broadcast at Radio-Based Instruction na dati nang ginagamit natin sa Alternative Learning System lamang."



Upang maisakatuparan ang mga planong ito, magsasagawa ang DepEd ng pagsasanay sa mga guro mula June 1 upang malaman din nila kung anung pamamaraan ang nararapat para sa kanilang mga mag-aaral sa kanilang lugar.

FREE DOWNLOADABLE MATERIALS:

FREE DOWNLOADABLE MATERIALS
Basic Sight Words (Grade 1-6)
Developing Reading Power (Grade 1-6)
Reading Comprehension Worksheets (Grade 1-6)
Math Addition Worksheets (KG, Grade 1-6)

Paliwanag ng DepEd sa mga walang internet o gadget at mga batang nakatira sa bundok Paliwanag ng DepEd sa mga walang internet o gadget at mga batang nakatira sa bundok Reviewed by Teachers Click on May 07, 2020 Rating: 5

1 comment:

Powered by Blogger.