Saloobin ng mga magulang at guro sa pagbubukas ng klase sa August 24





Kasabay ng pag-aanunsyo ng Department of Education na ang opening of classes ay pormal na magaganap sa August 24, 2020, bumuhos naman ang mga saloobin ng mga magulang at guro hinggil dito.

Marami ang sumang-ayon sa paliwanag ng DepEd na maraming paraan upang maihatid ang learning instructions sa mga mag-aaral at hindi kinakailangang pumunta ang mga ito sa paaralan. Ngunit marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagsalungat sa desisyong ito dahil sa takot sa malagay sa pangannig ang kanilang mga anak.

Narito ang ilan sa mga saloobin ng mga magulang at guro tungkol dito:

"Yes, atleast there is a remedy on how our students can continue learning. Thanks to Technology. Stay Safe Everyone!"

"Good proposal... At least may time to heal.... Thanks a lot"

"please reconsider it is too early for the month of august it will be health risk for the kids . Mas ok po siguro kung unahin ung online enrollment ng mga bata then online classes po muna until ma clear ang covid."

"Wow hindi po magic ang covid na with in three months eh safe na po ang mga bata....hindi ako favor dyan nakakatakot pa rin sa ngayon nga padagdag ng padagdag ang cases tapos papasukin na agad ang mga bata...hindi kaya suicidal attempt ito? Para sa akin hindi ko iririsk ang anak ko makapaghintay ang pag aaral pero ang buhay isa lang sana pag isipan ng mabuti ng kinauukulan.."



"Naku wala na rin po kameng pantuition at allowance... free tuition and may allowance subsidy po b kung sa august24 magsstart ang klase.. kase mahirap po magkasakit sa mga panahong ito"

"magbigay na lang ng Modules pra sa bahay na lang turuan mga bata,lalo na Kinder-up..di susunod sa social distancing mga bata makukulit."

"August 24 opening of classes doesn't mean that the students will be physically reporting to class. Maaaring online lessons o kaya home study program. Hindi naman ipapahamak ng DepEd ang kabataan."

"please wag na po munang ituloy this august ang pasukan. sobrang delikado. buhay ang nakataya dito. please pag aralang mabuti. wag pabigla bigla ng decision. bumaba kayo sa roots. assessment muna plan and dont forget po do not compromise the health of the children. please please please"



Saloobin ng mga magulang at guro sa pagbubukas ng klase sa August 24 Saloobin ng mga magulang at guro sa pagbubukas ng klase sa August 24 Reviewed by Teachers Click on May 10, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.