Pinahayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na dapat paghandaaan ng mga paaralan sa probinsya ang posibleng pagdami ng mga student tranferees na magmumula sa mga lungsod tulad ng Maynila.
Dulot ng COVID-19 pandemic, maraming taga-lungsod ang mas pinipili nang umuwi sa kani-kanilang probinsya sa oras na pahintulutang muli ang pagbyahe. Dahil dito, inaasahang dadami ang mga student transferees na mag i-enroll sa mga paaralan sa iba't ibang probinsya.
Isa sa mga proposal ni Sen. Go ang "Balik Probinsya" program na naglalayong mabawasan ang populasyon sa mga lugar tulad ng Metro Manila at mga lungsod na over-populated.
Iginiit niya na dapat paghandaan ito ng sektor ng edukasyon upang maipagpatuloy pa rin ng mga transferees ang kanilang pag-aaral.
Sen. Go pinaghahanda ang mga paaralan sa probinsya para sa mga transferees
Reviewed by Teachers Click
on
May 03, 2020
Rating:
No comments: