Sino ang sasagot kung may ma-infect sa COVID-19 na guro o mag-aaral?





Sa isinagawang joint committee hearing ng house of representatives between Metro Manila Development and Committee on Basic Education, humungi ng paliwanag si Rep. Precious Hipolito-Castelo na kung sakaling may-infect o magkasakit na mga guro o mag-aaral related to COVID-19 ay sasagutin ba ito ng DepEd o ng DOH.

"In the unlikely event na mayroon pong teacher o student na magkasakit na COVID related, ito po ba ay sasagutin ng DepEd o ng DOH? We want to be clear on these issues," tanong ni Rep. Castelo.

Ipinaliwanag ni DepEd Usec. Malaluan Nepomuceno na ipatutupad ng DepEd ang "Safe Back-to-School Program" bilang paghahanda at pagiwas sa banta ng COVID-19 at ang mga guro ay nasa ilalim ngayon ng Work From Home scheme sa unang linggo ng Hunyo.



"Kahit ngayong enrollment ay nag-issue kami ng advisory na work from home ang mga guro natin to limit the risk of exposure at ang inaa-allow lamang ay 'yung skeleton force kung meron man sa ating mga paaralan at they will have to comply with the health standards," paliwanag niya.

Ayos kay Usec. Nepomuceno, parte ng kanilang "Safe Back-to-School Program" ay ang required health standards na may kasamang testing protocols at ilalabas nila ang detalye sa mga bagay na ito sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa niya, tuloy tuloy ang isinasagawa nilang monitoring sa mga guro at mag-aaral sa pangunguna ng kanilang COVID-19 task force upang matukoy ang mga aktwal na health status ng mga ito.


Sino ang sasagot kung may ma-infect sa COVID-19 na guro o mag-aaral? Sino ang sasagot kung may ma-infect sa COVID-19 na guro o mag-aaral? Reviewed by Teachers Click on June 04, 2020 Rating: 5

3 comments:

  1. the question was not given the right answer

    ReplyDelete
  2. Tama! itong PUTANGINANG admin nito na si Mark Anthony Llego mahilig talaga sa click bait. Feeling professional may review center pa ang puta kahit wala namang credibility.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.