Duterte hindi pahihintulutan ang face-to-face class hanggat walang bakuna





Ilang linggo na ang nakalipas ng ipahiwatig ni Pangulong Duterte ang pagsang-ayon niya sa tinatawag na "limited face-to-face classes" sa mga low-risk areas ng bansa. Ito ay upang mas mabigyang pansin ang pag-aaral ng mga bata dahil mahalaga pa rin ang aktwal o tradisyonal na pagtuturo upang mas maayos na maihatid ang karunungan sa ating mga mag-aaral.

Subalit sa katatapos lamang na State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Duterte, nilinaw niya na hindi niya pahihintulutan na magkaroon ng face-to-face classes sa bansa hanggat walang bakuna para sa COVID-19. Ang pagkang-ayon niya sa naturang "limited face-to-face classes" na maaaring umpisahan sa January 2021 ay dahil umaasa siya na magkakaroon na ng vaccine sa darating na September 2020.


"Until a COVID-19 vaccine is available, I will not allow the traditional face-to-face teaching for learning unless the risk of exposure is eliminated. I cannot and will not put to risk the health and lives of our students and teachers. About two weeks ago, I seemed to have said that I would allow the face-to-face classes to resume, but we were talking actually of January (2021) because my thinking is that by September we would have the vaccine," wika ng Pangulong Duterte.


Duterte hindi pahihintulutan ang face-to-face class hanggat walang bakuna Duterte hindi pahihintulutan ang face-to-face class hanggat walang bakuna Reviewed by Teachers Click on July 27, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.