Kinababahala ng mga guro ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa kanilang linya. At ayon kanila, posible pa itong tumaas habang papalapit ang pagbubukas ng klase.
Umapela ang Allianced of Concerned Teachers o ACT sa Department of Education na ilabas nito ang kumpletong detalye tungkol sa mga kasong ito upang mapagplanuhan ang mga hakbang sa pagbibigay proteksyon sa mga guro.
Ayon kay ACT Partylist Rep. France Castro, hindi pa rin malinaw kung ano plano ng DepEd tungkol sa bagay na ito.
Patuloy pa rin ang panawagan ng samahan na magsagawa ng mass testing upang masiguro ang kanilang kalagayan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Bilang ng mga guro na tinatamaan ng COVID-19, kinabahala
Reviewed by Teachers Click
on
August 23, 2020
Rating:
No comments: