DepEd siniguro ang SALARY INCREASE FOR TEACHERS sa 2021




Sa katatapos lamang ng online press briefing ng DepEd, siniguro ni Undersecretary Annalyn Sevilla na kasama sa budget ng kagawaran ang para sa salary increase ng mga guro o ang 2nd tranche ng salary standardization law.

"Hahatiin po natin ang ating total budget na PHP 605.7 billion, PHP 407 billion po dito ay para sa ating mga salaries, benefits, allowance, lahat pertaining to employees' welfare ay nandito po sa Personal Services with RLIP at makikita po natin na ito ay tumaas ng 13.54%", wika ni Sevilla.



Ayon kay Sevilla, tumaas ang budget allocation ng kagarawan at kasama na nga dito ang para sa dadag sahod ng mga guro na nakapaloob sa Personal Services with RLIP.

"Kasi by next year mayroon na naman po uling salary increase. Ito po ay 'yung 2nd tranche ng Salary Standardization Law at makikita po natin 'yung detalye nito sa ilalabas ng Department of Budget and Management kung magkano 'yung magiging increase at 'yan po ay nasaibatas na so mayroon po tayong kasiguruhan sa ating mga guro," paliwanag ni Sevilla.




DepEd siniguro ang SALARY INCREASE FOR TEACHERS sa 2021 DepEd siniguro ang SALARY INCREASE FOR TEACHERS sa 2021 Reviewed by Teachers Click on August 31, 2020 Rating: 5

1 comment:

  1. Maiba lng po..saan dapat lumapit Kung hanggang ngaun ay may arrears p din s gsis,samantalang updated nman ang kaltas at kita s payslip? BAKIT NAGKAKAROON NG ARREARS KUNG KINAKALTASAN NMAN?

    ReplyDelete

Powered by Blogger.