Gatchalian to DepEd: Dapat sigurado ang proteksyon ng mga Guro at Non-Teaching Staff




Sa patuloy na pagsusulong ni Senator Win Gatchalian para sa proteksyon ng mga guro sa pagpapatupad ng learning continuity plan ng Department of Education.

Sa isang panayam, binigyang diin niya na hindi dapat puro salita lang ang ibinibigay ng kagawaran kundi konkretong plano na masasandalan ng mga guro at non-teaching staff ng ahensya.

READ: Number of teachers who tested positive for COVID-19 nationwide

"Dapat klarong maipaliwanag sa ating mga guro at non-teaching staff kung paano sila mapoprotektahan habang ginagawa nila ang kanilang trabaho. Hindi puwede na puro salita, pero walang plano. Buhay ng ating mga guro ang nakasalalay dito," wika ni Sen. Gatchalian.


Iminungkahi rin niya na dapat makipag-ugnayan ang DepEd sa PhilHealth at GSIS upang matugunan ang mga pangangailan ng mga guro kung sakaling tamaan sila ng COVID-19 sa pagtugon sa kanilang tungkulin. 


"If we want to mobilize our teachers, we have to make sure that they are assured with protection and government will take care of them and their families no matter what," dagdag pa niya.


Gatchalian to DepEd: Dapat sigurado ang proteksyon ng mga Guro at Non-Teaching Staff Gatchalian to DepEd: Dapat sigurado ang proteksyon ng mga Guro at Non-Teaching Staff Reviewed by Teachers Click on August 22, 2020 Rating: 5

1 comment:

  1. Tama kailangan talaga naming mga guro ang proteksyon lalo pa at kami ang maghatif mismo sa modules.
    Sana po maisipan man lang nila magpasa ng batas gaya ng ibinigay sa mga frontliners. Frontliners din naman po kami kasi minsan na kaming nakapag assist sa DSWD at ngayon kami na nga mismo pupunta sa mga bahay ng mga mag-aaral po natin.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.