Gurong naghahanda ng modules nagkaCOVID-19, pamilya nahawahan





Lakas loob na nagpakilala at umamin si Sir Norberto Rodillas, isang public school teacher sa Baguio, matapos siyang tamaan ng COVID-19 ganoon din ang kanyang pamilya.

"Ako ay nalungkot, natakot at halos umiyak. Sa kadahilanang ang aking mga magulang at kapatid ay nasa hospital na dahil sa parehong sakit," wika niya.



Pag-amin ni Norberto, naunang nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ate na isa ring public school teacher na noon ay pumapasok sa kanyang paaralan upang maghanda ng mga modules na gagamitin ng kanilang mga mag-aaral sa darating na pagbubukas ng klase.

Ito ang posibleng dahilan ng kanyang magkakahawa at ng kanyang pamilya ayon sa kanilang pamahalaang lungsod.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng hard lockdown and kanilang barangay upang maiwasan ang posible pang pagkalat ng naturang sakit.


Gurong naghahanda ng modules nagkaCOVID-19, pamilya nahawahan Gurong naghahanda ng modules nagkaCOVID-19, pamilya nahawahan Reviewed by Teachers Click on August 15, 2020 Rating: 5

1 comment:

  1. bakit during moratorium nagpatong kyo ng mga arrears subra subra na talaga. anong help ang extend ninyo? wala sa halip nagkapatong patong ang arrears.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.