Maaari bang i-post sa Social Media ang listahan ng pangalan, grade/section, larawan, at impormasyon ng mag-aaral?
Isang usapin para sa marami ang pagsasapubliko ng mga pangalan, larawan at iba pang personal na impormasyon ng mga mag-aaral gamit ang mga social media platforms.
Marami ang nagsasabi na ito ay delikado dahil maaaring samantalahin ng mga masasamang loob ang mga importanteng impormasyon na ito upang gumawa ng mga hindi kanais-nais na bagay.
Sa isang post ng EducAttorney page (click here), nilinaw dito na hindi dapat isinasapubliko ang anumang personal na impormasyon ng mga mag-aaral, maliban na lamang kung ito ay may pahintulot mula sa kanilang mga magulang.
TANONG: Maaari po ba naming i-post sa aming FB account ang mga listahan ng pangalan, grades, larawan at anumang impormasyon ng maing mga mag-aaral?
SAGOT: Ayon sa DATA PRIVACY ACT (R.A. 10173), hindi dapat isinasapubliko ang anumang impormasyon tungkol sa mga mag-aaral, maliban kung ito ay pinahihintulutan ng magulang. Iminumungkahi naming na gawing pribado ang mga social media platform na gagamitin kung pinoproseso ang mga sensitibing personal impormasyon.
Para sa karagdagang kaalaman sa Data Privacy ct:
Maaari nga bang i-post sa Social Media ang mga impormasyon ng bata?
Reviewed by Teachers Click
on
August 18, 2020
Rating:
No comments: