Paano makasisiguro na bata ang magsasagot ng modules? - Ito ang paliwanag ng DepEd




Ipinaliwanag ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla sa isang Virtual Press Conference ang kahalagahan ng suporta at tamang paggabay sa ating mga mag-aaral na magmumula sa kanilang mga magulang, pamilya, o kasama sa tahanan.

Ayon sa kanya, bagamat mahirap ang ating kinahaharap na sitwasyon ngayong panahon ng pandemic, mahalaga na maipag-patuloy ang edukasyon at pagtuturo ng wastong asal at pag-uugali.


Sinagot din niya ang tanong na madalas na natatanggap ng ahensya tungkol sa pagsasagot ng mga learning modules. Narito ang kanyang paliwanag sa bagay na ito.

Ito ang palaging tanong sa amin: Paano na ang pagsusulit, ang grading system? Paano kayo nakasisiguro na pag pinamigay ang modules ay bata ang sasagot?

Ito ang partnership na hinihingi namin sa mga magulang. Kung gusto niyong matuto ang inyong anak ng honesty, ng responsibility, ng love of country, love of community, hindi na po kailangan ng learning resources. Dito niyo po maipapakita sa kanila na matututo sila maging tapat - with honesty. Gabayan nyo po sila. Ipakita niyo sa kanila na although mahirap ang gagawin natin ngayon, hindi importante ang grado muna, ang importante makita ninyo na kahit may problema marunong tayo tumugon at tuloy tuloy sa ating buhay.



Paano makasisiguro na bata ang magsasagot ng modules? - Ito ang paliwanag ng DepEd Paano makasisiguro na bata ang magsasagot ng modules? - Ito ang paliwanag ng DepEd Reviewed by Teachers Click on August 19, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.