Nagpamahagi ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng learning continuity packages ngayong araw, Agosto 26, upang makatulong sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga mag-aaral at gurong Manileño sa mga pampublikong paaralan.
Bawat guro ay makatatanggap ng laptop na may kasamang pocket wifi, at bawat household ay mabibigyan ng tablet na may kasamang SIM card. Layunin ng proyekto na tugunan ang pangangailangan ng 296,000 mag-aaral at 11,000 guro sa mahigit 100 pampublikong paaralan sa Maynila.
Nagpasalamat si Secretary Leonor Magtolis Briones sa inisyatibo ng Manila City Government, "Maraming salamat Yorme [Mayor Isko Moreno] sa iyong pagka-aggressive, at saka persistence and also for informing the public about what local governments and national departments do together and work together for the continuance of education."
"This is a very significant event... dahil ito ay bahagi ng napakalaking proyekto ng DepEd na tinatawag namin na computerization program. Patuloy pa rin ang
edukasyon sa pamamagitan ng paggamit ng technology," dagdag pa ng Kalihim.
Source: LandBank of the Philippines
Pampublikong guro, tumanggap ng mga bagong laptop at pocket wifi
Reviewed by Teachers Click
on
August 26, 2020
Rating:
No comments: