Umani ng samu't saring atensyon ang larawan at kwento ng isang dating private school teacher na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na ngayon ay nagtitinda sa kalye upang makaraos. Ibinahagi ni Karlo Ternora sa kanyang social media na agad namang nag-viral dahil kahanga hangang kasipagan at "fighting spirit" na kanyang ipinakikita.
Makikita sa larawan na hawak hawak ng dating guro ang signage na nagsasabing "PRIVATE SCHOOL TEACHER CLOSED PLS. BUY PO" habang ang kabilang kamay ay tangan ang kanyang mga paninda.
Photo Courtesy of Karlo Ternora
Marami ang humanga ngunit marami rin ang nahabag sa sitwasyon ngayon ng dating guro. Nanawagan ang maraming netizens na nag-comment at nag-share sa post ni Mr. Karlo Ternora na hanapin at bigyan ng tulong ng may mga kakayahan ang dating guro upang makaraos sa hirap ng buhay dulot ng kasalukuyang krisis.
Narito ang kabuuang post ni Mr. Ternora:
Ang sakit sa puso makita mga gantong guro na nawalan ng trabaho. At nag bebenta sa labas para makaraos. Going home from my friend's house I decided to refill muna, while waiting for my change. Biglang lumapit sakin si Ma'am she even called me "Anak" baka gusto mo bumili ng paninda ko. As I heard the word anak naalala ko bigla mga Guro ko mga pangalawang nanay natin sa Eskwelahan.I asked what happened po sainyo? Sabi nya "wala na ako trabaho kasi dahil sa Pandemic as what it says sa hawak nya. Sobrang lungkot. Biglang abot ng sukli si kuya gasoline boy, di manlang umabot ng hundreds pera ko na naiabot.. she even insisted to get some of her goodies nya. Kaso I resist dahil galing akong kainan. If only I have extra time gusto ko sya i-treat sa katabing jollibee kaso kelangan nadin maka uwi. From happy moments bigla ako natulala while driving I have what ifs sa utak ko.. ang tanda na nya pano kung may Covid ma bentahan nya o umulan o di naubos tinda nya pano na sya?😥 I asked her permission kuhanan ko sya, sana matulungan natin mga naging pangalawang magulang natin sila din tumulong satin matupad pangarap natin. Salute to all the teachers ❤❤❤
Courtesy: Karlo Ternora Facebook Post
VIRAL: Guro na nawalan ng trabaho nauwi sa pagtitinda sa kalye
Reviewed by Teachers Click
on
August 23, 2020
Rating:
No comments: