GSIS Educational Subsidy Program (P10,000 per Scholar)

ADVISORY

GSIS Educational Subsidy Program

Inaanyayahan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang lahat ng active GSIS members na i-nominate ang kanilang mga anak sa GSIS Educational Subsidy Program (GESP).

Sa ilalim ng GESP, bibigyan ng GSIS ng P10,000 ang bawat isa sa mapipiling 10,000 anak ng mga miyembro nito na may pinakamababang sweldo para makatulong sa pantustos sa matrikula nila sa kolehiyo.

Extended ang application deadline hanggang Setyembre 30.

Kwelipikadong mag-apply ang GSIS members na permanent employees; may salary grade 24 pababa o katumbas na level na ito; at walang laktaw sa pagbabayad ng GSIS loan o kulang na bayad para rito ng mahigit sa tatlong buwan.

Dapat ay kasalukuyang naka-enroll ang estudyante sa isang four-year course sa institusyong kinikilala ng Commission on Higher Education. Hindi qualified ang member na tumatanggap na ng ibang scholarship o subsidiya.

Para sa detalye, bisitahin ang GSIS website (www.gsis.gov.ph) o official Facebook Page (gsis.ph); mag-email sa gesp@gsis.gov.ph; o tumawag sa GSIS Corporate Social Advocacies and Public Relations Facilities Department sa (02) 8479-3571 at 72 o 0915-736415.

Source: GSIS

GSIS Educational Subsidy Program (P10,000 per Scholar) GSIS Educational Subsidy Program (P10,000 per Scholar) Reviewed by Teachers Click on September 22, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.