Matapos bawasan ng Department of Budget and Management (DBM) ang proposed budget ng DepEd na nakalaan sana upang maipagpatuloy ang produksyon ng Self-Learning Materials (SLMs) na gagamitin ng mga mag-aaral sa SY 2020-2021, mapipilitan daw ang DepEd na hayaang maghiraman na lamang muna ang mga mag-aaral hanggat wala pang pondo para dito.
Sa pagdinig ng House Appropriates Committee para sa proposed budget ng DepEd nong ika-15 ng Setyembre, natuklasan na tinapyasan ng DBM ang budget na nakalaan sana upang mabigyan ng modules ang lahat ng mag-aaral sa pampublikong paaralan sa bansa.
Ikinabahala naman ito ng marami sapagkat maaari itong maging sanhi upang maikalat ang iniiwasang Coronavirus.
Ayon kay DepEd Usec. San Antonio, sisiguruhin daw ng DepEd na maayos ang pag-disinfect sa mga learning materials na ito kung sakaling magaganap nga ang hiraman ng modules.
MORE FREE ONLINE WEBINARS AND COURSES FOR TEACHERS (CLICK HERE)
HIRAMAN NG MODULES maaaring maganap - DepEd
Reviewed by Teachers Click
on
September 19, 2020
Rating:
No comments: