Isang nakapakalaking hamon para sa mga guro ang kinakaharap na krisis ngayon ng ating bansa pagdating sa usaping edukasyon dulot ng COVID-19 pandemic. Sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa darating na Oktubre, handa na nga ba ang kagawaran ng edukasyon lalo na ang mga guro na silang nasa front line ng gawaing ito?
Tanging mga guro lamang ang makapagsasabi ng totoo nilang sitwasyon sa panahong ito. Ngunit sa kabila ng lahat, iisa pa rin ang hangad natin at ito ay maipagpatuloy ang edukasyon para sa ating mga kabataan.
Upang maisakatuparan ang Learning Continuity Plan ng Department of Education, matinding suporta ang kinakailangan ng bawat paaralan lalo na ng mga guro na silang pangunahing nagsasakatuparan ng mga planong ito. Subalit ano nga ba ang mga pangunahin nilang kailangan sa mga gawaing ito?
Batay sa pulso ng mga guro lalo na ang mga nasa public schools, ito ang kanilang mga pangunahing kinakailangan:
1. PRINTERS, INKS, AT BOND PAPERS
Kinakailangan ito ng mga paaralan dahil hindi lahat ng printed Self-Learning Modules ay manggagaling sa kagawaran, marami sa mga paaralan sa buong bansa ang nagre-reproduce ng mga SLMs na ito at batid nila na hindi sasapat ang kanilang resources kaya't marami sa kanila ang nagagawang mag-solicit o humingi ng donasyon.
2. LAPTOPS
Kung dati ay chalk, papel, ballpen, lapis, at iba pa ang palaging hawak o gamit ng mga guro, sa panahong ito ay mga laptop o computer ang pangunahin nilang kailangan upang magampanan ang kanilang tungkulin tulad ng pagtuturo sa mag-aaral sa ilalim ng Online Distance Learning, pag-attend sa mga webinars, paggawa ng mga outputs na hinihingi sa kanila, paggawa ng karagdagang activity sheets, paggawa ng reports, at marami pang iba. Ngunit dahil sa problemang pinansyal, hindi lahat ng guro at may kakayanan na bumili ng sarili nilang laptop.
Binigyang permiso ng DepEd ang bawat paaralan sa paggamit at pag-uwi ng mga computer sets na kasama sa kanilang DepEd Computerization Program o DCP, ngunit sa dami ng mga guro hindi lahat at makagagamit ng mga computers na ito.
3. INTERNET O CASH ALLOWANCE
Batid ng lahat ng guro ngayon sa bansa na kailangan nila ng internet connection o data upang makadalo sa mga virtual meetings at webinars, makapag-submit ng mga reports at outputs, makipag-ugnayan sa kanilang mga mag-aaral, at makapag-turo sa Online Learning.
4. DAGDAG HEALTH PROTECTIONS
Mahalaga na mabigyan ng sapat na proteksyong pangkalusugan ang mga guro sa pagtugon nila sa kanilang tungkulin. Maraming mga guro ang nagre-report sa kanilang mga paaralan sa kabila ng banta ng virus upang makapag-print ng mga modules at makapaghanda ng mga kinakailangan para sa darating na pasukan. Panawagan ng mga guro na magkaroon ng tiyak na tulong mula sa pamahalaan kung sakaling tamaan sila ng kumakalat na virus.
MORE FREE ONLINE WEBINARS AND COURSES FOR TEACHERS (CLICK HERE)
Mga Pangunahing Kailangan ng mga Guro sa Paghahanda sa Pagbubukas ng Klase
Reviewed by Teachers Click
on
September 19, 2020
Rating:
No comments: