OPISYAL NA PAHAYAG
Setyembre 25, 2020 – Nais ipabatid at linawin ng Kagawaran ng Edukasyon na ang kumakalat na viral na larawan ng pahina ng modyuls na naglalaman ng ‘di kaaya-ayang paggamit ng ilang salita ay hindi nagmula at hindi inilimbag ng Kagawaran. Base sa aming imbestigasyon, ang malisyosong modyul ay nanggaling sa isang catholic school sa Zambales.
Ang mga kagamitang pang-edukasyon sa mga pampublikong paaralan ay dumaraan sa masusing proseso upang matiyak ang kalidad nito sa tulong ng aming education specialists. Dagdag pa rito, ang aming modyuls ay hindi pa pormal na nagagamit ng mga mag-aaral sapagkat magsisimula pa lamang ang pamamahagi nito sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.
Gayumpaman, ang ganitong uri ng maling gawain ay walang puwang sa anomang kagamitang pang-edukasyon ng Kagawaran, pampubliko man o pribado. Makaaasa ang publiko na gagawin ng DepEd ang mga legal na hakbang upang tugunan ang kamaliang ito.
Sa tulong ng Republic Act 11476 o ang GMRC and Values Education Act, patuloy na isinusulong ng DepEd ang kagandahang-asal at tamang pag-uugali hindi lamang sa aming mag-aaral, kundi maging sa bawat kawani ng aming basic education institutions.
OPISYAL NA PAHAYAG ng DepEd sa kumakalat na malisyosong modyul
Reviewed by Teachers Click
on
September 25, 2020
Rating:
No comments: