Kulang nga ba ang sweldo ng mga guro?
Hindi maikakaila na isa sa mga pinakamahalagang propesyon sa ating bansa at sa buong mundo ang pagiging guro. Sila ang humuhubog sa halos lahat ng propesyon sa ating bansa at nakararanas ng mga sakripisyo upang magampanan lamang ang kanilang tungkulin. Ngunit sa kabilang banda, marami sa kanila ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakararanas ng maayos at komportableng pamumuhay.
Ayon sa mga gurong aming nakapanayam, ito ang mga karaniwang dahilan kung bakit patuloy na nagigipit ang mga guro sa usaping pinansyal:
1. Sariling gastos sa pagpapaganda ng classroom
Marami sa mga guro ang humuhugot sa sariling bulsa upang mabigyan ng mas maayos na mukha ang kanilang mga silid-aralan at upang mas ma-motivate ang mga mag-aaral sa kanilang mga pag-aaral.
2. Sariling gastos pambili ng mga gadget tulad ng laptop, printer, at iba pa.
Kaakibat na ng trabaho ng mga guro ang paggamit ng teknolohiya lalo na sa panahon ngayon. At dahil dito, isinasaalang-alang nila ang pagbili ng mga makabagong kagamitan tulad ng laptop, printer, projector, at kung anu-ano pa upang matugunan lamang ang pangangailang sa kanilang trabaho.
3. Hindi sapat na buwanang sahod.
Bihira sa mga guro ngayon ang magsasabi na sapat o sobra ang kanilang tinatanggap na sahod kung titingnan ang lahat ng kanilang mga gastusin o pangangailangan. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa ating mga mambabatas at senador ang nagmumungkahi ng nararapat na pagtaas na sahod ng mga guro upang mabigyan sila ng maayos at komportableng pamumuhay sa kabila ng kanilang puspusang trabaho.
4. Nahuhulog sa mga pautang o loans na may mataas na interes.
Bahagi na yata ng buhay ng mga guro ang salitang "loan" o "utang". Dulot pa rin ito ng hindi sapat na sahod na nagtutulak sa kanila upang patuloy na mangutang lalo na sa may mga anak na pinapaaral sa kolehiyo. Sa kasamaang palad, marami sa mga guro ang napipilitang mangutang sa mga hindi lehitimong lending institutions na nagpapatong ng matataas na interes dahilan upang lalo silang malubog sa pagkaka-utang.
5. Kakulangan sa kaalamang pinansyal.
Siguro marami sa mga guro ang magsasabi na hindi ito usapin tungkol sa kaalamang pinansyal dahil kahit bali-baliktarin kulang pa rin talaga ang kanilang sahod kaya't nahihirapan sila sa mga gastusin. Subalit lingid sa kanilang kaalaman na ang tamang kaalamang pinansyal ay malaki ang maitutulong sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Kaalaman kung paano gastusin ng tama ang kanilang pera o sahod at disiplina sa mga bagay na hindi naman kailangan ay ilan lamang sa mga dapat taglayin ng mga guro upang nang sa ganun' ay maging mas maayos ang kanilang buhay pinansyal.
TOP 5 Reasons kung bakit nagigipit ang mga guro sa kanilang sweldo
Reviewed by Teachers Click
on
September 02, 2020
Rating:
madami dyan number 5
ReplyDeleteKung ang mga engineer ng Deped ay nabibilhan ng service vehicles sa kabila ng napakataas nilang sahod eh bakit po ang pulubing teacher hindi man lang mabigyan ng disenteng sahod na maaaring ipagmalaki ninuman. Tinataasan nga pero pautay utay kaya hindi rin po makahabol sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin.. Sana po mabigyan po Ito ng pansin... Slamat
ReplyDeleteKulang na kulang ang sahod po dahil nga po sa mgabgastusin para sa pagpapaganda ng classhome. Dahil sa pagbili ng printer at laptop. Mga upuan, lamesa, cabinets,upuan. Sa bulsa ng guro nggagaling ang lahat ng yan.
ReplyDeleteMay magagawa b tayo pra itaas ang sahod ntin??milyong milyong komento ukol dito pero walang nabago..
ReplyDeleteMaraming Maraming Salamat po at nabiyayaan kmi ng Isang Propesyong Regular.Kung may Pagkakamali mn Siguro Diyos na lamang po ang bahala sainyo.Basta kmi patuloy pa rin mgbibigay Serbisyo sa mga Kabataan na uhaw sa kaalaman.Slmt po
ReplyDeleteMeron pa, maraming mga contribution Lalo na Kung may Pa contest Ang LGU, pa contest sa paaralan, o bayarin sa mga pagpapaganda sa classroom. Meron ngang principal Kung bagohan ka na item, hihingian ka Ng 5000 para daw sa outing.
ReplyDelete