VIRAL: Isang guro tinahak ang 2 kilometrong lakad maihatid lang ang mga modules sa mga mag-aaral

LANAO DEL NORTE - Isang pampublikong guro ang viral ngayon sa social media dahil sa kahanga-hanga nitong pagbagtas sa 2 kilometrong lakarin maihatid lamang ang mga self-learning modules sa kanilang mga mag-aaral.

Ito ay bahagi ng isinagawa nilang dry run noong September 12 hanggang September 18.

Batid ni Sir Stanley Butalid ang hirap sa pamamahagi ng mga modules dahil kailangan pa nilang tahakin ang bundok, talahiban, at tumawid ng ilog upang  marating lang ang kanilang mga estudyante.


Sa kabila ng kanyang sakripisyo, naging malaking hamon pa rin sa mga guro ang modular distance learning na ito dahil hindi rin magawang sagutan ng ilang mag-aaral ang kanilang mga modules dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga magulang dapat sana'y tutulong sa kanila sa kanilang pag-aaral.

"Marami ang hindi nasagutan sa module dahil hindi rin alam ng magulang. Yung ibang magulang, no read no write, hindi matututukan ang pag-aaral ng mga bata dahil kailangan rin magtrabaho sa sakahan," wika si Sir Stanley.


Photos Courtesy of Stanley Butalid

Maraming reams din ng bond papers ang kanilang kinakailangan upang punan ang linggo linggo nilang pagbibigay ng modules at ito ay hinihingi pa nila sa mga taong nakakaluwag.

Dahil sa mga ito, nangangamba ang kanilang paaralan kung kakayanin ba nilang matapos ang modular distance learning hanggang sa dulo ng school year na ito.

VIRAL: Isang guro tinahak ang 2 kilometrong lakad maihatid lang ang mga modules sa mga mag-aaral VIRAL: Isang guro tinahak ang 2 kilometrong lakad maihatid lang ang mga modules sa mga mag-aaral Reviewed by Teachers Click on September 20, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.