DepEd hinikayat ang mga magulang na huwag akuin ang pagsasagot sa modules


Patuloy ang panawagan ng Department of Education sa mga magulang at guardians ng mga mag-aaral na gabayan lamang sila at huwag direktang sagutan ang mga modules na ipinamahagi ng mga paaaralan.

Ayon kay DepEd Usec. Tonisito Umali, napakalaking papel ang ginagampanan ng mga magulang ngayon sa pagtuturo sa kanilang mga anak lalo na ang nasa ilalim ng modular distance learning. Ngunit binigyang diin ni Umali na hindi dapat saluhin ng mga magulang ang pagsasagot sa mga nasabing modules.

“Hindi po sila ang dapat sasagot ng pagsusulit o takdang aralin o gawaing pang-upuan ng mga bata. Klaro po 'yan,” wika ni Umali.

Kaya naman, muling hinikayat ng kagawaran ng edukasyon na sana'y tulungan natin ang ating mga mag-aaral at panatilihin ang pagiging matapat upang maging mas makabuluhan ang isinasagawang distance learning sa bansa.

DepEd hinikayat ang mga magulang na huwag akuin ang pagsasagot sa modules DepEd hinikayat ang mga magulang na huwag akuin ang pagsasagot sa modules Reviewed by Teachers Click on October 07, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.