Binigyang linaw ni Senator Gatchalian sa isang TV/Online interview na mayroong P4 billion na pondo ang DepEd upang bigyang tugon ang mga pangangailangan sa pagpapatuloy ng edukasyon para sa taon na ito.
Sa tanong kung mayroon na bang malinaw na paglalaanan ang DepEd sa nasabing pondo, narito ang sagot ni Gatchalian, "My suggestion to them is to spend the entire P4 billion for laptops and gadgets for our teachers. Importante na ang ating mga guro ay may sapat na kagamitan, hindi na magagamit ngayon 'yung chalk at blackboard, ang kailangan nila ngayon ay laptops," wika ni Gatchalian.
Binigyan diin rin niya ang pagbibigay ng internet connection sa mga guro upang mas maayos nilang magawa ang kanilang mga trabaho na kadalasan ay nangangailangan ng internet.
"Gamitin ang pondo sa pagbili ng laptops at bigyan ng internet connection ang mga guro natin dahil mauubos ang kanilang sariling pera sa data plan at sa pagtawag sa kanilang mga estudyante," dagdag pa niya.
Gatchalian urged DepEd to spend the P4 billion fund for teachers' laptops
Reviewed by Teachers Click
on
October 02, 2020
Rating:
No comments: