Pormal nang ibinigay ng LGU GenSan sa pangunguna ni City Mayor Ronnel C. Rivera at First Lady Jane F. Rivera ang 5,000 cellphone units para sa mga guro na nagkakahalaga ng halos P12 milyon sa Dibisyon ng Heneral Santos ngayong hapon, Oktubre 23.
Tinanggap ni SDS Rommel G. Flores, CESO V, at ASDS Mario M. Bermudez, CESO VI, ang mga nasabing cellphone na may kasamang SIM card para sa isang taon na unlimited call at text sa lahat ng network at 5-gigabytes na data kada buwan, na pinondohan ng halos P42 milyon ng Local School Board, sa isang simpleng Turn-over Program sa Schools Division Office.
Ayon kay City Mayor Ronnel C. Rivera, ang communication assistance package ay pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa Kagawaran upang mabisa at mahusay na magampanan ng mga kaguruan ang kanilang tungkulin sa online o modular na paraan ng pagtuturo ngayong new normal.
Malaki naman ang pasasalamat ni SDS Flores sa LGU, LSB, at sa miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa patuloy na suportang ipinapaabot sa Dibisyon upang epektibong mapatupad ang Division Learning Continuity Plan.
Dagdag pa ni SDS Flores, wala na umanong rason ang mga guro na hindi ma-monitor ang pag-aaral ng mga estudyante ngayong pasukan sa pamamagitan ng text messaging o tawag ngayong tinugunan na ng lokal na pamahalaan ang problema sa komunikasyon.
Ipinagmalaki rin ni SDS Flores na ang ganitong suporta mula sa isang lokal na pamahalaan ay kauna-unahan sa buong rehiyon.
Agad namang ipinamahagi ang mga nasabing cellphone units sa mga Public Schools District Supervisors na siyang mag-didistribute sa mga guro simula ngayong Lunes, Oktubre 26.
Source: DepEd Tayo GenSan
Libreng Smartphones Ipinamahagi sa mga Guro sa GenSan
Reviewed by Teachers Click
on
October 24, 2020
Rating:
Sana all. .
ReplyDelete