MAG-ASAWANG GURO, MGA ANAK, NAGSAGAWA NG FLAG CEREMONY SA BAHAY


Bago simulan ang kani-kanilang trabaho at pag-aaral, nagsagawa muna ng Flag Ceremony sa loob ng kanilang bahay ang mag-asawang guro kasama ang tatlong anak at pamangkin nito.





Sa sala ng kanilang bahay inayos ni Ma'am Ruby Ann R. Carisma, ng Saavedra Saway CES, ang mga anak at pamangkin samantalang inahanda ni Sir Kenneth ang audio-visual presentation sa kanilang TV. Maayos naman na sumunod ang lahat simula sa pag-awit ng "Lupang Hinirang", panalangin hanggang sa morning exercise.




Ayon kay G. Carisma, na punongguro rin ng Sinawal ES, minabuti ng mag-asawa na gawin ang Flag Ceremony upang maituro sa kanilang mga anak ang pagmamahal sa bayan at masanay ang mga ito sa naturang gawain sakaling muling ipatupad ang face to face learning modality.

Source: DepEd Tayo GenSan

MAG-ASAWANG GURO, MGA ANAK, NAGSAGAWA NG FLAG CEREMONY SA BAHAY MAG-ASAWANG GURO, MGA ANAK, NAGSAGAWA NG FLAG CEREMONY SA BAHAY Reviewed by Teachers Click on October 07, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.