Mga estudyante na umaattend ng online class nabulabog nang may sumulpot na isang Philippine Cobra

 
Nabahala at binalot ng takot ang ilang mag-aaral sa Bato, Catanduanes nang biglang may sumulpot na Philippine Cobra sa lugar kung saan malakas ang internet signal at kung saan sila nagsasagawa ng online class.


Pinabayaan na lamang ng mga mag-aaral na makaalis sa lugar ang ahas na ito dahil batid nila na kasama ito sa mga "near threatened" species sa bansa.


Photos: Dexter Chavez

Dahil sa hirap ng sitwasyon ngayon dulot ng pandemya, panawagan ng mga tao sa barangay na asksyunan agad ang nasabing pagyayari at linisin ang kapaligiran kung saan ang mga mag-aaral ay umaattend ng online class upang maging ligtas sila habang nag-aaral.

Mga estudyante na umaattend ng online class nabulabog nang may sumulpot na isang Philippine Cobra Mga estudyante na umaattend ng online class nabulabog nang may sumulpot na isang Philippine Cobra Reviewed by Teachers Click on October 07, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.