Pre-registration para sa National ID System, sisimulan na sa Lunes (Oct. 12)


Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sisimulan na nila ang preregistration para sa Philippine Identification System (PhilSys) o pagbibigay ng National ID sa mga mamamayan ng bansa.

Aarangkada na nga sa Lunes, ika-12 ng Oktubre, katulong ang mga Local Government Units ang pagbabahay-bahay sa mga low-income households para sa inisyal na pagpaparehistro para sa naturang National ID.

Layon ng PSA na mai-rehistro ang nasa 5 milyong indibidwal mula sa 32 na lalawigan sa gagawing ito.

“Our target is 92 million despite the challenges posed by the COVID pandemic. Our priority is to ensure the safety of the registrant and information officers by implementing the PhilSys registration protocol,” ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa.

Pre-registration para sa National ID System, sisimulan na sa Lunes (Oct. 12) Pre-registration para sa National ID System, sisimulan na sa Lunes (Oct. 12) Reviewed by Teachers Click on October 11, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.