Viral ngayon sa social media ang isang pampublikong paaralan sa Cabanatuan City ng ipatupad nito ang "Only Print In School (OPIS) Policy".
Ayon sa Punong Guro ng ACA Elementary School, layunin ng polisiyang ito na ma-enjoy ng mga guro ang oras sa pamilya tuwing sila ay nasa kanilang mga tahanan at sa paaralan na lamang gawin ang trabaho tulad nga ng printing of SLMs at iba pang learning materials.
Narito ang kabuuan na pahayag ng paaralan sa kanilang Facebook Page.
"OPIS Policy, ipinatupad; mga guro sa ACA Elementary School, pinagbawalang mag-print sa bahay
Pinagbawalang mag-print sa bahay ng mga Self Learning Modules (SLM) at Other Learning Activity Sheets (OLAS) ang mga guro ng ACA Elementary School.
Ito ay matapos simulang ipatupad ngayong linggo sa paaralan ang Only Print In School (OPIS) Policy na nag-eenganyang huwag mag-uwi ng mga printing tasks ang mga guro.
Ayon sa bagong punong-guro ng ACA Elementary School na si G. Allan David Valdez, layunin ng polisiya na huwag agawin ng trabaho ang oras ng mga guro na dapat ay inilalaan nila sa kanilang pamilya.
Dagdag pa ni G. Valdez, paraan ng paaralan ang OPIS Policy na mapangalagaan ang mental health ng mga kaguruan sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras ng mga guro sa kanilang pamilya.
Dahil sa polisiyang ito, nagtakda lamang ng mga araw ang paaralan kung kailan lamang mag-iimprenta ng mga SLM at OLAS ang mga guro.
Tinagubilinan rin ang mga guro na unang gamitin ang mga printer ng paaralan at hindi ang kanilang mga personal na printers.
Tinipon sa air-conditioned room ang 15 na printers ng paaralan na sabay-sabay na ginagamit ng nakatokang pitong guro na sinusunod ang basic standard health protocol."
Credits: ACA Elementary School
VIRAL: "Only Print In School Policy" pinatutupad sa isang paaaralan
Reviewed by Teachers Click
on
October 18, 2020
Rating:
No comments: