Guro na sumagot sa tanong ng estudyante habang nasa kanyang kasal, hinangaan at nag-viral


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media at hinangaan ang post ni Sir Rhandolf Fajardo o “Sir Dholf” nang sumagot siya sa kanyang estudyante sa araw ng kanyang kasal.

Si Sir Dholf at isang guro sa Cavite National High School na lubos ang pagpapahalaga sa pag-aaral ng kaniyang mga estudyante lalo na ngayong panahon ng krisis. Batid ni Sir Dholf na bilang isang guro, kailangan niyang tumugon sa anumang maaaring maging katanungan ng kanyang mga mag-aaral hinggil sa pag-unawa at pagsasagot sa mga modules.

Ngunit hindi inaasahan ng mga netizens na sa mismong kasal ni Sir Dholf ay magagawa pa nitong sumagot sa chat/message ng kanyang estudyante. Sa post niya sa kanyang social media, makikita na nagtanong ang mag-aaral ng “Sir, ano po ba muna ang sasagutan?”, at sinagot naman ito ni Sir Dholf ng "wait lang nak, ikakasal lang si Sir" at sinamahan pa nya ito ng selfie photo kasama ang kanyang bride.


Marami ang humanga sa ginawang ito ni Sir Dholf dahil sa napakahalagang araw na ito sa kanyang buhay ay hindi niya binalewala ang kanyang estudyante na bagamat hindi niya nasagot ang mismong tanong ay tiniyak niya na mabibigyang pansin pa rin niya ito.

Photos Courtesy: Ser Dholf

Guro na sumagot sa tanong ng estudyante habang nasa kanyang kasal, hinangaan at nag-viral Guro na sumagot sa tanong ng estudyante habang nasa kanyang kasal, hinangaan at nag-viral Reviewed by Teachers Click on November 03, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.