Guro naging vendor muna sa palengke para masuportahan ang pamilya dulot ng krisis


Isang senior high school teacher si Christian Joshua Arambulo, 23 years old, ngunit dahil sa krisis dala ng pandemya ay bumaba ang kaniyang sahod sa pinagtatrabahuhang private school sapagkat wala munang face to face classes sa panahong ito. Ito ang nagtulak kay Sir Christian upang humanap ng iba pang pagkakakitaan para masuportahan ang kanyang pamilya.

Photo Courtesy: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Sa kabila ng pagiging guro, tinanggap ni Sir Christian na maging public market vendor kung saan nagtitinda siya ng karne at iba pang mga produkto. 

Photo Courtesy: Bayan Mo, Ipatrol Mo

"Torned po kasi ako between passion o pangangailangan. Sa ngayon po mas nanguna sa akin 'yung pangangailanga," paliwanag niya.

Photo Courtesy: Bayan Mo, Ipatrol Mo

Marami ang humanga sa pagpupursige na maitaguyod niya ang kanyang pamilya sa handang pasukin ang lahat upang malagpasan ang hamon ng kasalukyang krisis sa bansa.

Guro naging vendor muna sa palengke para masuportahan ang pamilya dulot ng krisis Guro naging vendor muna sa palengke para masuportahan ang pamilya dulot ng krisis Reviewed by Teachers Click on November 13, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.