Inmate tinuturuan ang anak gamit ang "online dalaw"


Hinangaan ng libo-libong netizens si "Tom", isang bilanggo, dahil sa pagtuturo niya sa kanyang limang taong gulang na anak mula sa kulungan.

Photo Credits to Sir Tristan Nodalo

Makikita sa mga larawan na pinost sa social media ni Sir Tristan Nodalo ang aktuwal na pagtuturo ni Tom sa kanyang anak gamit ang computer at internet. Binibigyan lamang ng limang (5) minuto ang bawat inmate upang makipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng "Online Dalaw", ngunit mas pinili ni Tom na samantalahin ang pagkakataon na ito upang magabayan at maturuan ang kanyang anak.



Photo Credits to Sir Tristan Nodalo

Ayon kay San Juan City Jail Warden JM Sabeniano, matiyagang gumagawa si Tom ng mga visual aids araw-araw upang maging mas makabuluhan ang gagawin nitong pagtuturo sa kanyang anak.

Photo Credits to Sir Tristan Nodalo

Tunay ngang hindi mahahadlangan ng anumang pagsubok ang isang magulang na ang tanging hangad ay mapabuti ang kalagayan ng kanyang anak. Nagkamali man si Tom sa kanyang buhay ay sinisigurado niya na magagampanan pa rin niya ang pagiging ama kahit sa maliit at limitadong paraan.

Maraming netizens naman ang humanga at sumaludo sa ginawa ni Tom. Ilan sa mga comments sa nasabing post ay ang mga sumusunod:

"Ano man ang rason kng bakit nakulong ka,,, salute ako sayo kahit anjan ka sa loob ginagampanan mo pa rin ang obligasyon mo sa anak mo,,,
Keep praying makakalabas ka rin at makakasama mo family mo,,, good job,,,, 👏👏👏🙏🙏🙏"

"Very good at least productive ang pagkakakulong nila kahit papano. Better sana if 30mins"

"Make it atleast 30mins man lang. PLEASE!. Tatay din ako, ramdam ko yung hirap na mawalay sa anak"

"Kudos to this Dad!!!!!😞☝🏻"

"Pampa good vibes! Worth to share! 🥺🤗❤
Nakakulong po siya because of drugs but he has learned his lesson well. He is trying his best to become a better father to his daughter."


Courtesy: Bjmp San Juan CJ



Inmate tinuturuan ang anak gamit ang "online dalaw" Inmate tinuturuan ang anak gamit ang "online dalaw" Reviewed by Teachers Click on November 04, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.