Isang lungsod mamimigay ng P500 kada buwan sa mga estudyante basta walang bagsak na grado


Isang malaking tulong para sa mga estudyante ng Pasig City ang inanunsyo ni Mayor Vico Sotto na makatatanggap sila ng P500 cash kada buwan kahit na puro 75 ang grado basta walang bagsak.

Sinabi ni Mayor Vico sa isang post sa Twitter na maaaring mag-aaply ang mga estudyante sa tinatawag nilang CHIP-IN Scholarship para matanggap ang biyayang ito.

"Para sa mga ‘di umaabot sa grade requirements, puwedeng mag-apply sa CHIP-IN. 500/month din ito, kahit puro 75 basta walang bagsak,” wika ng alkalde.

Binigyang pansin din ni Mayor Vico ang mga mag-aaral na hindi masyadong matutukan ang pag-aaral dahil naghahanap-buhay o tumutulong sa mga gawaing pang-tahanan.

“May mga iba masisipag pero nag-aalaga ng magulang/kamag-anak,  may trabaho, o ‘di ganoon kagaling sa academics. Deserving din sila,” dagdag pa niya.

Isang lungsod mamimigay ng P500 kada buwan sa mga estudyante basta walang bagsak na grado Isang lungsod mamimigay ng P500 kada buwan sa mga estudyante basta walang bagsak na grado Reviewed by Teachers Click on November 06, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.