Isang nakaka-inspire na kwento mula sa isang Education student mula sa Eastern Samar State University.
Photo Courtesy: Ira Baldonaza
Siya si Ira Baldonaza, 36 years old, kasama ang kanyang anak na si Baby Tania na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media dahil mistulang naging classmate niya ang sarili niyang anak/baby sa eskwela.
Nasa ika-apat na taon sa kolehiyo si Ira noon nang siya ay nagdalang tao at isinilang ang kanyang anak na si baby Tania Carmel Jois. Isang malaking biyaya at hamon ito sa kanya dahil mayroong G6PD deficiency si baby Tania at kailangan niya itong isama sa eskwela upang mai-breastfeed at maibigay ang biglaan niyang pangangailangan.
Photo Courtesy: Ira Baldonaza
Binigyang pahintulot naman ng college administrator ang request ni Ira na isama ang kanyang anak sa eskwela. Bumuhos ang paghanga sa kanya kabilang na ang mga netizens dahil sa determinasyon niyang makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang edad at dumaang pagsubok sa buhay.
Photo Courtesy: Ira Baldonaza
Pinagpapasalamat naman ni Ira na nalagpasan niya ang mga pagsubok na ito kasama ang kanyang minamahal na anak sa loob at sa labas ng eskwela. Pinatunayan ni Ira na walang maaaring humadlang sa taong may pagsisikap at pangarap.
Kwento ng isang ina na mistulang naging classmate ang sarili niyang anak
Reviewed by Teachers Click
on
November 13, 2020
Rating:
No comments: