Ang pamahalaang lokal ng Lopez sa probinsya ng Quezon ay naggawad ng tulong pinansyal para sa mga pampublikong guro sa kanilang bayan. Ang financial assistance na ito na nagkakahalaga ng P2,000 ay ipamamahagi sa mga guro bilang suporta at tulong sa ginagawang sakripisyo ng mga guro sa pagpapatuloy ng edukasyo sa kabila ng banta ng pandemya.
Photo Courtesy: Rej Ville
Sa post ni Mr. Rejulios M. Villenes, District Supervisor ng DepEd Lopez East and West Districts, lubos ang kaniyang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta at pagkalinga ng kanilang Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni Mayor Rachel A. Ubana at Sangguniang Bayan sa mga gurong nagsisilbing frontliners upang maihatid ang dekalidad na edukasyon sa mga batang Lopezeño.
SEE ORIGINAL POST:
LGU naghandog ng P2,000 financial assistance sa mga public school teachers
Reviewed by Teachers Click
on
November 08, 2020
Rating:
No comments: