PRINCIPAL NA, FARMER PA!


Isa na namang huwarang punong-guro ang hinangaan ng maraming netizens nang mag-viral ang mga larawan nito habang inaayos ang mga rootcrops na pinagtiyagaan niyang alagaan nang sa ganoon ay maging kapaki-pakinabang ang bakanteng lupa sa loob ng kanilang paaralan.




Sa post ni Ma'am Ana Mapula, ibinida niya ang kasipagan ng kanyang School Principal na si Sir Merardo Joven ng Libid Elementary School sa Binangonan, Rizal. Ayon kay Ma'am Ana, hindi pa sumusikat ang araw ay nasa eskwelahan na si Sir Merardo upang asikasuhin ang kanyang mga tanim.


Photos Courtesy of Ana Mapula

Lubos naman itong ikinatuwa at hinangaan ng maraming netizens lalo na ng mga guro dahil sa halip na damo ang nakikinabang sa mga bakanteng lupa ay mga rootcrops ang nakatamin dito. Pinuri din ng mga ito ang kasipagan ni Sir Merardo, ayon sa kanila bihira na sa mga punong-guro ang gumagawa ng ganitong bahay.


PRINCIPAL NA, FARMER PA! PRINCIPAL NA, FARMER PA! Reviewed by Teachers Click on November 10, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.