TEACHER NA, BARBERO PA


Isa na namang nakakabilid ng kwento mula sa isang guro sa Lacub, Abra ang viral ngayon sa social media dahil sa paggugupit niya sa kaniyang mga lalaking estudyante sa tuwing siya ay nagho-home-visit.

Photo Courtesy: DepEd Philippines

Siya si Sir Lorenzo T. Marquez, isang pampublikong guro sa Pacoc Elementary School. Ayon sa kanya, apat na taon na ang nakakaraan nang simulan niya ang ganitong uri ng serbisyo. Mahirap man ang sitwasyon ngayon dahil pa rin sa banta ng pandemya, tinitiyak pa rin ni Sir Lorenzo na maihahatid niya ang patuloy na edukasyon sa kanyang mga mag-aaral na may bonus pang libreng gupit para sa mga lalaki niyang estudyante.



Lubos ang kaligayahan ng mga mag-aaral at mga magulang sa ipinakikitang dedikasyon ni Sir Lorenzo. Aniya, mahalagang maipada sa mga estudyante ang pagmamahal at pagmamalasakit lalo na sa panahong ito.



TEACHER NA, BARBERO PA TEACHER NA, BARBERO PA Reviewed by Teachers Click on November 08, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.