Dahil sa patuloy na krisis na kinahaharap ng ating bansa dulot ng COVID-19, lahat tayo ay kinakailangang mag-adjust upang sa ganoon ay makasabay tayo sa hamon ng new normal.
Sa larangan ng edukasyon, hindi maikakaila na ang ating mga guro ang tumatayong frontliners upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan. Sa ilalim ng Alternative Work Arrangements na inilabas ng Department of Education, marami sa ating mga guro ang may nakalaang araw kung kailan sila papasok sa paaralan at kung kailan naman sila magtatrabaho sa kanilang mga tahanan.
Ngunit, saan nga ba mas efficient magtrabaho si Ma'am at Sir sa panahon ng pandemya? Sa bahay ba o sa paaralan?
SA BAHAY
Ayon sa sagot ng ilang mga pampublikong guro, malaking tulong sa kanila na sa bahay nila nagagawa ang kanilang mga gawain. Bukod kasi sa nakakasama na nila ang kanilang pamilya ay naiiwas din sila sa posibilidad na mahawahan ng sakit na COVID-19.
Magagawa din nila ang kanilang trabaho sa oras na kumportable sila, sobrang aga man nito o late at night. Nabibigyang pansin din nila ang pagtulong sa kanilang mga anak lalo na kung sumasailalim din sila sa modular distance learning.
Sa kabilang banda, hinaing ng ilang guro na may mga kailangang kagamitan sila na wala sa kanilang bahay tulad ng printer kaya naman hindi maiiwasan na sa school pa rin nila gawin ang mga ganitong bagay. Bukod pa rito, minsan ay naaagaw ang kanilang atensyon sa ibang bagay kapag sila ay nasa bahay dahilan upang mawala sila sa focus sa kanilang trabaho.
SA SCHOOL
Noong wala pa ang COVID-19 sa bansa, hindi usapin kung saan mas efficient magtrabaho ang mga guro. Ngunit sa ngayon marami ang nangangamba sa kanilang kalusugan sa tuwing sila ay lalabas ng kanilang tahanan.
Nakakatuwang isipin na sa kabila ng banta ng pandemya, marami pa rin sa ating mga guro ang positibo sa kanilang mga trabaho. Marami sa kanila ang nagsasabi na mas efficient sila magtrabaho sa paaralan sa kabila ng banta sa kanilang kalusugan.
Ayon sa kanila, mas maayos at mas mabilis nilang natatapos ang mga gawain kung sila ay nasa paaralan dahil naka-focus lamang sila sa kanilang trabaho. Malaking bagay din sa kanila ang immediate access sa mga kagamitan tulad ng computer, printer, scanner, at iba pa upang magawa nila ang kanilang mga nakatakdang gawain.
Nagagawa din nila ang agarang pag-uusap at paplano kasama ang kanilang mga kapwa guro upang mapagbuti pa ang kanilang pagtuturo lalo na sa panahong ito.
Kaya naman sa tanong na kung saan nga ba mas efficient magtrabaho ang mga guro, sa bahay ba o sa tahanan, ito ay nakadepende na pangangailangan at sa kaligtasan ng ating mga guro. Alin mas sa dalawa ay siguradong magiging efficient sila dahil alam naman natin na buong buo ang kanilang determinasyon o pagnanais na makapagbigay ng kaalaman sa ating mga kabataan maging sa panahon ng pandemya.
Hindi matatawaran ang patuloy na pagsisikap ng ating mga guro kahit na maisaalang-alang nila ang kanilang sariling kaligtasan basta't maihatid lamang nila ang edukasyon na nararapat sa ating mga mag-aaral.
BAHAY o SCHOOL? Saan nga ba mas efficient magtrabaho ang mga guro sa panahon ng pandemya?
Reviewed by Teachers Click
on
December 13, 2020
Rating:
No comments: