Isa na namang bata ang hinahangaan ng maraming netizens dahil sa kakaiba nitong prinsipyo at pananaw sa pagtanggap ng tulong.
Sa isang social media post ni Xof Naraplap, ibinahagi nya ang video cip ng isang bata na nagtitinda ng prutas sa kalye. Mapapanood sa video ang pag-aabot ng pera sa bata bilang tulong upang ngunit hindi ito tinaggap ng bata.
Pinag-diinan ng bata sa video na kung gusto siya tulungan ay dapat bilhin na lamang ang kanyang paninda upang siya ay makauwi na o di kaya naman ay pagkain na lamang ang ibigay sa kanya. Sa pagpipilit na ibigay ang pera, sinabi muli ng bata na sayang ang pera kung ibibigay lamang kaya dapat ay may katumbas ito. Napilitan na ring bilhin ang nasabing prutas at nagmagandang loob naman sila na ibili na lamang ng pagkain ang bata bilang tulong.
Marami ang humanga sa pinakitang paninindigan ng bata. Maaaring simple at maliit na bagay lamang ito ngayon sa kanya at sa tingin ng marami ngunit malaki ang magiging epekto nito sa kanya habang siya ay tumatanda.
Pinatunayan ng batang ito na kahit mahirap ang sitwasyon natin ngayon ay marami pa ring paraan upang mabuhay ng marangal at ng may tamang paninindigan.
Video Credits: Xof Naraplap
Batang ayaw tumanggap ng tulong na pera, hinangaan ng marami
Reviewed by Teachers Click
on
December 19, 2020
Rating:
No comments: