Sabado, December 26, nang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon na magpatupad ng Dry Run ng Face-to-Face Classes sa piling lugar sa bansa kasunod ng pagkakatuklas ng bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom.
"I'm calling back the order," wika ng Pangulo sa isang public briefing.
"I will not allow face-to-face classes of children until we are through with this," dagdag niya.
Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na ng Kagawaran ng Edukasyon ang planong pagpapatupad ng pilot implementation o dry run sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19, ngunit dahil sa desisyon ng pangulo ay mapapawalang bisa na ito.
"I am canceling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec. Briones of the Education Department to suspend everything, all activities of children especially face-to-face classes," dagdag pa niya.
Duterte binawi ang desisyon na magpatupad ng Dry Run ng Face-to-Face Classes sa Enero
Reviewed by Teachers Click
on
December 26, 2020
Rating:
No comments: