Kamakailan lamang ay nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Administrative Order No. 37 na naglalayong bigyan ng Service Recognition Incentive ang mga empleyado ng gobyerno.
Ngunit ang malaking tanong ng marami ay kung kailan nga ba ito matatanggap ng mga nasabing empleyado?
Ayon sa post ng Department of Education (DepEd) sa kanilang Official Facebook Page, inaasahang matatanggap ito ng mga kawani ng Executive Branch ng gobyerno bago matapos ang taong 2020.
Inaasahang bago matapos ang taon, makakatanggap ng incentive na hindi lalagpas sa P10,000 ang mga kawani ng Executive Branch ng gobyerno alinsunod sa pinirmahang Administrative Order No. 37 ni Pangulong Duterte ngayong araw.
Ayon naman sa DBM Budget Circular 2020-6, "The payment of the SRI to all qualified employees shall not be earlier than December 21, 2020."
Kailan nga ba matatanggap ng mga Guro ang SRI 2020?
Reviewed by Teachers Click
on
December 22, 2020
Rating:
No comments: