Aprubado at pirmado na ng Pangulo ang pagtaas ng teaching allowance ng mga guro

Aprubado at pirmado na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 2021 General Appropriations Act (GAA) noong Lunes.

Kasama sa mga naaprubahan ay ang karagdagang teaching at connectivity allowances para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan. Para sa taong panuruan 2020-2021, bawat pampublikong guro ay makatatanggap ng P5,000 allowance mula sa dating P3,500. Ito ay patuloy na tataas hanggang marating ang P10,000 sa taong panuruan 2024-2025 at mananatili sa mga darating pang taon.

Kasabay nito, kinilala ng Pangulo ang mga kawani ng DepEd, lalo na ang mga guro, dahil sa kanilang dedikasyon at sakripisyo sa pagsusulong ng edukasyon sa bansa sa gitna ng pandemya.



Aprubado at pirmado na ng Pangulo ang pagtaas ng teaching allowance ng mga guro Aprubado at pirmado na ng Pangulo ang pagtaas ng teaching allowance ng mga guro Reviewed by Teachers Click on January 02, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.